Home HOME BANNER STORY El Niño mahina na – PAGASA

El Niño mahina na – PAGASA

168
0

MANILA, Philippines – Mahina na ang El Nino at posibleng magtapos na ang naturang weather phenomenon sa Hunyo.

“Nasa weak El Niño na po tayo at ine-expect natin na maaaring by June ay matapos na itong panahon ng El Niño,” sinabi ni PAGASA weather specialist Benison Estareja sa panayam ng GMA News nitong Lunes, Mayo 13.

“‘Yung ating temperatures ay magiging normal o neutral na ulit,” dagdag pa niya.

Sa kabila nito, sinabi ni Estareja na posibleng maranasan pa ng mas matagal ngayong taon ang epekto ng El Nino dahil sa “lag effect.”

“Subalit mayroon tayong lag effect. So ibig sabihin niyan magkakaroon ng konting delay doon sa epekto ng El Niño. Maaaring magtagal pa rin ‘yung medyo kulang na ulan hanggang sa susunod na buwan,” aniya.

Samantala, inaasahan ang isa o dalawang bagyo na makaapekto sa bansa ngayong buwan.

“Base sa Climatology Division ng PAGASA, possible for this month ‘yung isa o dalawang bagyo,” ani Estareja.

“Mayroon tayong minomonitor na cloud cluster sa may Pacific Ocean as of now and hindi rin natin inaalis ang chance na mabubuo siya as a low pressure area. But probably kung magkaroon man tayo ng bagyo, towards the third or fourth week pa po ng Mayo,” pagpapatuloy pa nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here