Home METRO 2 timbog sa P700K shabu sa Caloocan

2 timbog sa P700K shabu sa Caloocan

128
0

MANILA, Philippines – SHOOT sa selda ang dalawang sangkot sa iligal na droga kabilang ang isang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.7 milyong halaga ng ipinagbabawal na droga makaraan madakip ng mga awtoridad matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan Police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas Boboy, 31, HVI ng Brgy. Gen. T De Leon, Valenzuela City at alyas Christian, 25 ng PNR Compound, Caloocan City.

Ayon sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ang buy bust operation kontra kay ‘Boboy’ matapos ang nakatanggap nilang impormasyon hinggil sa pagbebenta umano nito ng droga.

Nang tanggapin ni ‘Boboy’ ang P6,500 buy-bust money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit isang medium plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong 4:44 ng hapon sa Riverside Libis Baesa, Brgy., 160, kasama ang kanya umanong parukyano na si ‘Christian’.

Ani Col. Lacuesta, nakumpiska sa mga suspek ang nasa 107.2 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P728,960.00 at buy bust money na isang P500 bill, kasama ang anim na pirasong P1,000 boodle money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. R.A Marquez

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here