MANILA, Philippines – Itinalaga na bilang bagong Senate President si Senador Francis Escudero matapos na magbitiw sa pwesto si Senador Juan Miguel Zubiri.
Ang nominasyon ni Escudero ay ginawa ni Senador Alan Peter Cayetano. Walang tumutol dito, kung kaya’t opisyal na inihalal ng Senado si Escudero bilang bagong pinuno.
Ilang minuto matapos ang pagkakahalal, nanumpa si Escudero na pinangunahan ni Senador Mark Villar, ang pinakabatang senador.
Dumalo din sa oath-taking rites ang asawa ni Escudero na si Heart Evangelista.
Nagpasalamat naman si Escudero kay Zubiri sa pagmamahal nito sa bansa at sa Senado bilang institusyon.







