Home ENTERTAINMENT Bela, ikakasal na?

Bela, ikakasal na?

Manila, Philippines – Tamis-tamisan at nagsabog ng kilig ang pinakabagong post ni Bela Padilla sa kanyang Instagram account.

Sa kanyang socmed post, ibinahagi niya ang litrato nila ng Swiss boyfriend na si Norman Bay.

Binati rin niya ang kanyang nobyo sa espesyal na okasyon nito sa kanyang buhay.

Nagbigay din siya ng significance ng St. Gallen na naging rendezvous para sila magkakilala.

Caption niya: “Another trip around the sun, done! I wish you all the best things in life. I hope you know that I’ll always meet you in St. Gallen…or any other city, country or continent to spend time with you.”

Inulan naman ng pagbati ang kanyang nobyo.

Sey pa ng kafaneyan, natagpuan na raw ng actress at director ang kanyang Harry Styles.

Paborito, idolo at ultimate crush kasi ni Bela ang nabanggit na English singer na dating miyembro ng pamosong boy band na One Direction.

Hirit naman ng kibitzers, sa grupong AngBeKi nina Angelica Panganiban, Bela at Kim Chiu, si Bela na raw ang hinuhulaang susunod kay Angge. Archie Liao