Home HOME BANNER STORY Kasamahan ni Quiboloy, naaresto na!

Kasamahan ni Quiboloy, naaresto na!

194
0

MANILA, Philippines – Naaresto na ng mga awtoridad sa Davao City ang kasamahan ng puganteng “Appointed Son of God” na si Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon sa ulat, naaresto si Paulene Canada sa isang subdivision nitong Huwebes, Hulyo 11 sa bisa ng warrant na may kinalaman sa human trafficking, na isang non-bailable offense.

Si Canada ay miyembro ng religious group ni Quiboloy.

May patong itong P1 milyon at No. 6 most wanted sa Davao region.

Dahil dito ay ikinokonsidera ng Philippine National Police (PNP) na magdagdag ng pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni Quiboloy.

Matatandaang nahaharap ang 74-anyos na puganteng lider sa mga reklamong may kaugnayan sa child prostitution, sexual abuse, human trafficking, acts of neglect, abuse, cruelty o exploitation.

Ngayong linggo ay inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang P10 milyong pabuya sa ikaaaresto ni Quiboloy.

Ayon kay Interior Secretary Benhur Abalos, ang salapi ay nagmula sa mga pribadong indibidwal.

Dahil dito ay kinwestyon ng kampo ni Quiboloy ang motibo ng mga nag-aalok ng pabuya.

“Pinag-iisipan po yan ng PNP na maglabas din ng reward with respect to this case. Pero kailangan kasi dumaan sa proseso yan in terms of auditing, in terms of budgetary rules and guidelines,” sinabi naman ni PNP spokesperson P/Colonel Jean Fajardo.

Nakatanggap na ang PNP ng ilang mga tawag tungkol sa kinaroroonan ni Quiboloy.

“Baka meron diyan na talagang tatawag para lang iligaw yung ating mga imbestigador at ating mga operatiba. That is why we are carefully validating the information,” ani Fajardo.

Bukod kay Quiboloy, mag tig-P1 milyon din ang lima pang co-accused ng religious leader.

Samantala, biniberipika ng PNP ang mga ulat na posibleng nasa China si Quiboloy ngunit mayroon ding indikasyon na nasa Pilipinas pa rin ang Davao City-based preacher.

“Meron din po siyang resources, meron din siyang mga supporters kaya nga patuloy yung ating pag-apela kay Pastor Quiboloy at sa lima pang akusado na sana let us spare particularly yung ating mga supporters, ang ating mga mahal sa buhay,” ani Fajardo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here