MANILA, Philippines- Nabawi na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ninakaw na painting ni National Artist Fernando Amorsolo na pinamagatang “Mango Harvesters.”
Dinala ang 88-anyos na painting sa National Museum at naberipikang tunay, ayon sa ulat nitong Biyernes.
Ninakaw ang painting mula sa isang museo sa Silay, Negros Occidental noong Hulyo 3.
Batay sa ulat, itinago ng isa sa mga suspek ang painting sa loob ng isang bag, at lumabas ng museo habang isinasagawa ang tour.
”The painting was just hanging on the wall. It was discreetly taken behind the museum’s visitors’ backs,” pahayag ni Silay City Police Station chief Police Lieutenant Colonel Mark Anthony Darroca. RNT/SA