Home NATIONWIDE Habagat magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

Habagat magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

135
0

MANILA, Philippines – Dalawang weather system ang makakaapekto sa bansa ngayong araw ng Sabado, Hulyo 13.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Mindanao, Western Visayas, Central Visayas, Palawan, Occidental Mindoro, at Romblon.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan naman na may isolated rain showers o thunderstorms ang mararanasan sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng MIMAROPA, Batangas, Cavite, at Laguna.

Habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas din ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here