Home METRO Delivery rider patay sa pamamaril sa Tondo

Delivery rider patay sa pamamaril sa Tondo

148
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang delivery rider nang pagbabarilin ng tatlong lalaki sa Baseco Compound, Port Area, Manila.

Namatay noon din ang biktima na si Ronnie Apalis y Ladios, 40 anyos, 1451 Antipolo St., Sampaloc, Manila.

Sa ulat ng MPD-Homicide Section, alas 3:50 ng madaling araw nang mangyari ang pamamaril sa biktima sa kahabaan ng Block 5 Extension, BASECO Compound, Port Area, Manila.

Nakatakas naman ang tatlong kalalakihan matapos maitumba ang biktima.

Napag-alaman na naglalakad lamang ang biktima sa eskinita sa Block 5 ng nasabing lugar nang lapitan ng mga suspek saka pinaputukan ng ilang beses.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo ng pagpatay sa biktima gayundin ang pagkakilanlan ng mga suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here