Home METRO Plebisito para sa paglikha ng barangay sa Tupi, South Cotabato umarangkada

Plebisito para sa paglikha ng barangay sa Tupi, South Cotabato umarangkada

163
0

MANILA, Philippines- Bumoto ang mga residente ng Tupi, South Cotabato nitong Sabado kung aaprubahan o hindi ang pagtatatag ng bagong barangay sa kanilang bayan.

Nagsimula ang botohan ng alas-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon  sa tatlong barangay (Cebuano, Linan, at Miasong) sa gitna ng panukalang likhain ang Barangay Juan-Loreto Tamayo.

May kabuuang 9,765 botante sa Tupi ang kwalipikadong makilahok sa plebisito, na isinagawa alinsunod sa Sangguniang Panlalawigan Resolution No. 158, s. 2023.

Epektibo ang gun ban hanggang Hulyo 20. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here