Home HOME BANNER STORY Trump ligtas sa pamamaril sa campaign rally sa Pennsylvania

Trump ligtas sa pamamaril sa campaign rally sa Pennsylvania

131
0

BUTLER, United States- Dali-daling ibinaba ng Secret Service agents si dating US president Donald Trump mula sa entablado, araw ng Sabado, matapos marinig ang serye ng malalakas na tunog, posibleng putok ng baril, sa pagsisimula ng campaign rally sa Pennsylvania.

Sa paghupa ng putok, kitang-kita ang pagkagulat ni Trump at hawak ang kanang tenga, na kalaunan ay nakitang dumudugo.

Sumugod ang agents sa podium, pinalibutan ang Republican candidate at sinamahan ito pababa ng entablado, habang itinaas ni Trump ang kanyang kamao sa harap ng publiko.

“The former president is safe,” pahayag ng Secret Service sa isang post sa X.

Ayon sa ulat, nasa maayos na kalagayan na si Trump at sinusuri sa isang medical facility.

“President Trump thanks law enforcement and first responders for their quick action during this heinous act. He is fine and is being checked out at a local medical facility. More details will follow,” pahayag ni spokesman Steven Cheung.

Naganap ang insidente ilang sandali matapos umakyat ng entablado si Trump sa kanyang huling campaign rally bago ang Republican National Convention sa Milwaukee sa susunod na linggo.

Nagkagulo sa rally sa Butler, Pennsylvania nang marinig ang mga putok at sigawan.

“Let me get my shoes,” maririnig na sabi ni Trump, habang tinutulungan siya ng security agents na muling makatayo.

Kalaunan ay dinala ng agents ang 78-anyos na tycoon sa isang SUV, habang nakataas ang kanyang kamao.

“This is an active crime scene,” sabi ng Secret Service officers sa mga mamamahayag, habang pinaaalis ang mga ito sa lugar.

“We saw a lot of people go down, looking confused. I heard the shots,” ani John Yeykal mula sa Franklin, Pennsylvania, na unang beses dumalo sa rally ni Trump.

Na-brief na umano si Biden ukol sa insidente, base sa White House.

Ikinagulat naman ng US politicians ang pangyayari.

Inilahad ni Democratic Senate Majority Leader Chuck Schumer na siya ay “horrified by what happened at the Trump rally in Pennsylvania and relieved that former President Trump is safe.”

“Political violence has no place in our country,” dagdag ng opisyal.

Wika naman ni Republican minority leader Mitch McConnell: “Tonight, all Americans are grateful that President Trump appears to be fine after a despicable attack on a peaceful rally. Violence has no place in our politics.” RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here