MANILA, Philippines – Hindi katanggap-tanggap, mali at malinaw na nagkaroon ng “miscarriage of justice” ang naging guilty verdict ng Tagum City, Davao del Norte sa kasong endangering minors noong 2018, ayon kay ACT Teachers Partylist Rep France Castro.
Ang pahayag ay ginawa ni Castro bilang reaksyon sa desisyon ng Tagum Regional Trial Court (RTC) Branch 2, kung saan si Castro, kasama sina Bayan Muna Party-list Rep. Satur Ocampo at 11 pa ay nahatulang guilty sa paglabag sa Section 10(a) ng Republic Act (RA) No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.
Sa isang joint statement nina Castro at Ocampo kapwa iginiit ng dalawa na kanilang iaapela ang desisyon hanggang umabot pa ito sa Korte Suprema.
“Its absurd and unacceptable. This is a clear miscarriage of justice, and we will strongly question this decision in all venues possible,” pahayag nito.
Ipinaliwanag ni Castro na ang kaso ay nag ugat sa akusasyon na kanilang pinigil ang.mga menor de edad sa isinagawang rescue mission sa paramilitary group at military.
Ani Castro paanong sila pa ang may kasalanan gayong sila ang tumulong sa rescue operations.
“Why is it that the ones who rescued the children from harm are the ones being convicted while the paramilitary group, the military and the NTF-ELCAC (National Task Force to End Local Communist Armed Conflict) who were threatening the children go scot free? Hindi ba dapat sila ang kinasuhan? ” ani Castro.
Nagpahayag din ng pagkaalarma si Gabriela Womens Party-list Rep. Arlene Brosas, aniya, ang mga gunagawa ng masama sa mga estudyanteng Lumad ay nakalalaya habang ang mga tunutulong para sa kapakanan ng mga indigenous communities ang siyang pinupuntirya.
Gayundin ang hamon ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel, aniya, ng mga tunay na child abuser ang siyang dapat na isakdal at hindi sina Castro at Ocampo.
Naniniwala ang Makabayan Bloc na ang paggigipit ngayon sa kanilang hanay ay para sa preparasyon sa 2025 election.
“This is a political maneuver to pre-empt the 2025 bid of genuine opposition leaders with Rep. Castro at the helm,” pagtatapos pa ni Manuel. Gail Mendoza