Home METRO Pedestrian patay sa bangga ng motorsiklo

Pedestrian patay sa bangga ng motorsiklo

156
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang pedestrian matapos mabangga ng motorsiklo sa Tondo, Manila nitong Sabado, Hulyo 20.

Nakilala lamang ang biktima na nasa 30-40 anyos na nakasuot ng green na sando, at black na short pants.

Sugatan naman ang rider na si John Paul Paed na siyang makabangga sa biktima sakay ng motorsiklo na Honda Click.

Sa ulat, binabagtas ni Paed ang kahabaan ng northbound H.Lopez Blvd kanto ng Rodriquez St, Tondo nang pagsapit sa kanto ng Rodriquez St., bumangga sa harapang bahagi ng kanyang motorsiklo ang pedestrian na tumatawid mula sa H. Lopez Boulevard.

Dahil sa malakas na pagkakasalpok, kapwa bumagsak sa kalsada ang dalawa kung saan agad na nawalan ng malay at pulso ang biktima.

Habang dinala naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang rider para malapatan ng lunas na tinamong injury. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here