Imagine, parang kahapon lang nang ilunsad ng GMA ang kanilang kauna-unahang artista search na Starstruck whose one of the two major winners was Jennylyn Mercado.
Jen won alongside Mark Herras.
Dalawampung taon na palang nakakaraan ‘yon.
At sa loob ng panahong ‘yon–mula noon hanggang ngayon–ay nananatiling Kapuso si Jennylyn.
But wait, as of this July 18 ay hindi pa nagre-renew ang aktres ng kontrata sa network.
So, technically ay freelancer siya.
Lalo tuloy nabubuo sa isipan ng
publiko na nagbabadya ang paglipat ng aktres sa kabilang istasyon lalo pa’t wala siya sa bagong station ID nito.
Cornered at a recent presscon, tinuldukan na ng aktres ang mga ispekulasyon as regards her impending transfer.
But take note, palaisipan ang kanyang pahayag.
Aniya: “Kung gusto pa nila akong maging Kapuso, why not? Happy ako!”
Nilinaw pa ni Jennylyn there’s no such offer from the other station.
It’s just that hinihintay lang niyang dumating ang kontrata: “Pag andyan na ‘yung contract, mabilis na ‘yan!”
Kunsabagay, mismong ang management office na niya ang nagsabing walang dapat ikabahala ang mga fans ng aktres as to what future awaits her with GMA. Ronnie Carrasco III