Home ENTERTAINMENT Andrea, certified single pa rin!

Andrea, certified single pa rin!

228
0

Manila, Philippines – Wala pa rin daw jowa si Andrea Brillantes at naka-focus muna siya sa trabaho at ilang negosyo.

“Ang lalaki lang sa life ko ngayon ay si Papa God, I think ‘yun ang nakikita niyong glow sa akin siguro ngayon,” sabi ni Andrea sa interview sa kanya ng ABS-CBN News.

Dagdag niya, “Lumaki ako sa lola ko po and my lola is a Catholic and may pagka-religious talaga siya, so kilala na niya talaga ang Panginoon, matagal na.

“Kailan lang talaga ako nagkaroon ng deep relationship with God, siguro mga two years ago. Hindi lang talaga ako masyadong ma-post about it.

“Ngayon lang talaga ako mas nagpo-post, para kasing part na siya ng personal life ko and lahat naman po ng artista may values na tinitira at isa po ‘yun sa pinapangalagaan ko kasi ayoko siyang ma-tarnish ng public.”

Samantala, natanong din si Andrea sa nasabing interview tungkol sa pagtanggap ng mga regalo mula sa taong magmamahal sa kanya, partikular na ang mga jewelry.

“For me kasi, hindi naman siya about the money. Ang ring kasi lalo na kung wedding ring ‘yan, meron talagang meaning ‘yan kung ano ang value mo doon sa wedding or sa partner mo or how much you are willing to provide for your love.

“Ako po kasi, hindi ako papayag sa 200 pesos just because, nasa personality ‘yun ng way ng binibigay mo sa akin.

“Hindi siya sa cost, parang how much are you willing to give or to commit sa relationship.

“Lalo na sa akin, wedding ring, ‘yun ang start niyo and symbol ng commitment niyo sa isa’t isa.

“Doon pa rin tayo siyempre sa kung tama ang value ng pagmamahal niya, kasi mamaya baka sabihin masyado naman ako meterialistic na isipin gusto na sobrang malaking diyamante. Sana both makuha ko in the future,” aniya pa. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here