Home NATIONWIDE Mga mambabatas natuwa sa POGO ban ni PBBM sa SONA 2024

Mga mambabatas natuwa sa POGO ban ni PBBM sa SONA 2024

192
0

MANILA, Philippines – Bumandera ang kakaibang kasiyahan ng mga mambabatas maging ng mga panauhin na nasa plenaryo nang agarang ipahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa kaniyang talumpati na tuluyan na niyang ipagbabawal ang POGO sa bansa.

Nagpalakpakan ang mga senador at kongresista sa plenaryo (standing ovation) dahil sa naging matapang na pahayag na ito ng pangulo.

“We cheer the President’s decision to ban POGOs and order to PAGCOR to wind down the operations of all POGOs by yearend,” giit ni Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores.

“That declaration inspires me even more to push for HB 3559 because this bill is consistent with the President’s order ridding us of the POGOs.”

“Ang House Bill 3559 ay ang panukalang paglikha sa Philippine Amusement and Gaming Commission (PAGCOM). HB 3559 will give the PAGCOR stronger legal footing to enforce the winding down process.”

Samantala, nagpaabot ng pasasalamat si OFW Partylist Marissa Magsino dahil sa ikatlong state-of-the-nation Address (SONA) ng pangulo ay hindi nito nlimot na ilatag ang pagmamahal, programa at polisiya para sa Overseas Filipino Workers (OFWs).

Labis na ikinatuwa ni Magsino ang patuloy na suporta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga OFW at mga proteksyon sa m Pinoy na naggtatrabaho sa ibayong dagat na patunay ng ay pagmamalasakit ng pangulo.

“Ito ang mga kritikal na policy statements ng ating pangulo sa kanyang SONA na siyang gagabay sa mga hakbang ng pamahalaan para sa ating mga OFWs at sa Philippine labor migration. Kasama dito ang kanyang pagbanggit ng maayos na sistema ng repatriation, ang pagpapatibay ng reintegration upang magkaroon ng bagong simula ang mga nagbabalik na OFWs, ang pagpapatibay ng karapatan ng ating seafarers, at ang pagsiguro sa dekalidad na trabaho para sa mga Pilipino sa ibang bansa sa pamamagitan ng masusing negosasyon sa mga opisyal ng host countries.”

Binigyang diin ni Magsino na ang mga hakbang na ito ng administrasyon ang nagtutulak upang patuloy niyang suportahan ang mga inisyatibo ng gobyerno para sa mga OFW.

“Bilang nag-iisang kinatawan ng ating OFWs sa 19th Congress, buong puso kong sinusuportahan ang mga inisyatiba ni Pangulong Marcos at patuloy na makikipagtulungan sa pamahalaan upang maisakatuparan ang mga ito. Sama-sama nating isusulong ang karapatan at kapakanan ng ating mga bagong bayani, dahil ang tagumpay ng bawat OFW ay tagumpay ng buong bansa.” Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here