MANILA, Philippines – Para kay ACT Teachers Partylist Rep France Castro bagsak na grado ang kanilang ibibigay sa ikatlong State of the Nation Address(SONA) ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. dahil na rin sa kabiguan nito na magbigay ng konktretong plano para tugunan ang kahirapan sa bansa.
Tinukoy ni Castro ang education sector na walang nabanggit ang Pangulong Marcos ukol sa P50,000 entry level para sa mga guro.
“Sa SONA ng mamamayan mariing kalhilingan ng ordinaryong Pilipino ay signipikanteng dagdag na sahod at sweldo. Pero walang kongkretong commitment sa sahod sa pribadong sektor at di rin maaasahan ang sinasabi dagdag na sahod daw sa kawani ng gobyerno na malamang ay kakapiranggot na naman,” ani Castro.
Wala din umanong nabanggit tungkol sa kalunos-lunos na kalagayan ng karapatang pantao sa bansa at paglaganap ng fake news at disimpormasyon.
Giit ni Castro, hindi masosolusyunan ng pag-ban sa POGO ang problema sa kahirapan, malnutrition, foreign intrusion, kawalang trabaho at pagtaas ng presyo ng bilihin.
Bagamat pabor si Castro sa pagbabawal sa POGO, hiniling nito kay Pangulong Marcos na hindi dapat matapos lamang sa ban ang maging laban dito bagkus ay dapat may pagpapanagot sa mga mataas na opisyal na naging protektor at nakikinabang dito.
Samantala sa panig ng Gabriela, tinuring ni Partylist Rep Arlene Brosas na “false patriotism” ang pagsasabi ni Pangulong Marcos na “WPS is ours” kung patuloy naman nitong pinapayagan ang presensya ng US military sa bansa.
“How can he claim the West Philippine Sea is ours when he has allowed increased US military presence in our country? From the Balikatan exercises to the war-provoking missile system in Ilocos Norte, and now the Japan-Philippines Reciprocal Access Agreement and the Agreement for Cooperation in Peaceful Uses of Nuclear Energy (123 Agreement), this administration is turning our nation into a playground for foreign military powers,” paliwanag ni Brosas. Gail Mendoza