Home NATIONWIDE Mga parak, PNP assets pinakikilos ni Marbil sa pagtugon kay Bagyong Carina

Mga parak, PNP assets pinakikilos ni Marbil sa pagtugon kay Bagyong Carina

125
0

MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Gen. Rommel Francisco Marbil, hepe ng Philippine National Police (PNP), nitong Miyerkules ang deployment ng lahat ng available na pulis at resources upang tulungan ang mga indibidwal na labis na apektado ng hagupit ni “Carina”.

Alinsunod ang utos ni Marbil sa direktiba ni Pangulong Marcos para sa agarang pagtugon at tulong sa mga indibidwal na apektado ng masamang panahon sa iba’t ibang rehiyon sa gitna ng mga ulat ng malawakang pagbaha.

“The Chief PNP already gave instructions to deploy all available forces and resources  to reinforce areas and regions affected by typhoon carina, as part of our humanitarian assistance and disaster response efforts in coordination with relevant government agencies,” pahayag ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo.

Subalit, anang opisyal, nagtalaga na sila ng sapat na bilang ng mga pulis at mobility assets upang tulungan ang local government units sa iba’t ibang disaster responses kabilang ang paglikas.

“We already deployed our personnel to the affected areas as part of our humanitarian assistance and disaster response efforts,” wika ni Fajardo.

“We also deployed our men to evacuation centers in NCR (National Capital Region). The mobility assets of the PNP were also dispatched,” dagdag ng opisyal.

Daan-daang pamilya ang naiulat na inilikas dahil sa malawakang pagbaha sa iba’t ibang parte ng bansa, kabilang ang Metro Manila. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here