Home ENTERTAINMENT Dingdong, ayaw pumatol kay Willie!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Dingdong, ayaw pumatol kay Willie!July 25, 2024 17:431880 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Mas lalong ipinamumukha ni Willie Revillame that he’s not really cut out for politics.Madami tuloy ang nagsasabing mabuti na lang at tuluyan nang isinantabi ng TV host ang planong pumalaot sa pulitika.Nais sungkitin ni Willie ang pagka-senador.Ikinagalak nga ng marami ang change of heart ni Willie citing his slim chances.Lalo pang ikinainis ng publiko ang ginawang pagpaparunggit ni Willie sa katapat ng kanyang programang Wil to Win.Pareho kasi ang time slot nito sa Family Feud hosted by Dingdong Dantes sa GMA.Bago umalis ang Wowowin sa GMA noong 2022, umeere ito sa oras ng FF.Matatandaang mas pinaboran ni Willie ang pagkakaibigan nila ng mga Villar by choosing to join AllTV.Bagama’t wala naman daw siyang bad blood sa GMA, ano’t may patutsada siya sa katapat na show?Ani Willie, hindi raw binili ang kanyang show sa ibang bansa.American game show nga naman ang FF hosted by Steve Harvey.Para rin daw kay Willie ay hindi importante ang ratings.Base sa survey, tinalo ng FF ang Wil to Win sa pilot episode nito after its “Wilcome back party.”Napag-alaman ng Remate Online na natawa lang daw si Dingdong sa pagpaparinig ni Willie at walang balak pumatol. Ronnie Carrasco III