Home ENTERTAINMENT Star Magic, dumepensa kay Ivana!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Star Magic, dumepensa kay Ivana!July 25, 2024 18:501530 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Naglabas ng opisyal na pahayag ang Star Magic kaugnay ng pag-alis ni Ivana Alawi sa Batang Quiapo.Sinimulan ng talent arm ng ABS-CBN ang statement sa pagsasabing buong pusong tinanggap ng mga viewers si Ivana sa nasabing teleserye.Papel na Bubbles ang ginagampanan ng sexy actress na love interest ni Tanggol played by Coco Martin.Kasabay nito, nagpasalamat ang Star Magic kay Coco dahil sa tiwala nito kay Ivana.Kung tutuusin nga raw, lumampas na sa tatlong buwan ang dapat sana’y pananatili lang ni Ivana sa BQ.Sa huli, marling pinabulaanan ng nasabing pamunuan na hindi totoong ayaw makasama ni Ivana si Kim Domingo, ang latest addition sa cast.Wala raw katotohanan ang pinaliral na “diva attitude” ng aktres.Ito’y base na rin daw sa track record ni Ivana pagdating sa trabaho.Matatandaang pinuna kamakailan ni Ogie Diaz ang umano’y pagsusuplada sa kanya ni Ivana nang dumalaw siya sa set ng BQ.Ani Ogie, hindi naman daw si Ivana ang pakay niya roon kundi isang artistang mina-manage niya.Pero kinalaunan din daw ay binati rin siya ng aktres. Ronnie Carrasco III