Home NATIONWIDE Pag-isyu ng EO vs POGO iminungkahi ng OSG

Pag-isyu ng EO vs POGO iminungkahi ng OSG

147
0

MANILA, Philippines- Sapat na ang isang executive order para ipatupad ang pagbabawal sa lahat ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na sa ilalim ng batas, ang lahat ng gaming operations ay nasa hurisdiksyon ng PAGCOR na direktang nasa pangangasiwa ng Office of the President. Dahil dito, ang executive order o administrative order ay sapat na para ipatupad ang polisiya.

Nilinaw din ni Guevarra na ang ban ay isang government policy.

Nasa Pangulo na aniya ang desisyon kung ano ang maganda para sa interes ng bansa.

Una nang idineklara ng Pangulo sa kanyang State of the Nation Address na bawal na ang lahat ng POGO sa bansa.

Ang pagbabawal ay kasunod ng mga pagsalakay sa ilegal na POGO hubs kung saan nadiskubre ang mga kagamitan na ginagamit para sa pag-torture, love scams, prostitusyon at iba pang krimen.

Samantala, nakiusap ang PAGCOR na huwag isama sa ban ang 12 POGOs dahil pawang mga customer service agents ang mga ito para sa gaming companies. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here