Home METRO Anak utas sa ama na lulong sa online sabong!

Anak utas sa ama na lulong sa online sabong!

137
0

TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Kalunos-lunos ang sinapit ng isang menor-de-edad matapos pagsaksakin ng kanyang sariling ama ng hindi nito mapabigyan sa hinihinging pera na pansugal lamang sa Brgy. Carig dito sa nasabing lungsod.

Kinilala ang biktima na si Yeyasha Kate Ballad,16-anyos at isang Grade 11 student habang ang suspek na ama ay si Jude Ballad, 34-anyos, at dating security guard.

Bago ang pangyayari ay humihingi umano ng pera ang ama sa kanyang anak upang itaya umano sa online sabong subalit hindi nito pinagbigyan.

Maliban sa pagkalulong sa sugal ay baon pa umano sa utang ang suspek.

Lalo pang ikinagalit ng suspek nang malamang may sariling bangko ang anak kung saan doon iniipon ang ipinapadalang pera ng kanyang ina na nagtratrabaho sa ibang bansa.

Pasado alas-7 ng gabi nang dumating sa kanilang bahay ang suspek at hinahanap ang kanyang anak sa mga kapitbahay at ilang sandali pa ay lumabas ang dalaga sa bahay ng kanyang lolo para umuwi sa kanilang bahay.

Nang makarating sa bahay ang biktima ay bigla na lamang nakarinig ng sigaw mula sa dalaga ang mga kapitbahay.

Agad namang nagtungo ang mga kapitbahay sa bahay ng mag-ama at dito na tumambad sa kanila ang duguang biktima na tadtad na pala ng saksak mula sa mismong tatay gamit ang isang mahabang patalim habang sinasakal ito.

Nagtamo ng saksak sa dibdib ang biktima na nagawa pang maisugod sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.

Mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang insidente.

Dahil dito, agad nagsagawa ng manhunt operation si PLtCol. Pepito Mendoza, hepe ng Tuguegarao City Police Station hanggang sa nalaman na sumuko sa himpilan ng pulisya sa Carangalan Nueva Ecija ang suspek kung kaya’t agad na sinundo para ibalik sa kanilang himpilan.

Pursigido ang mga kamag-anak at ina ng biktima na sampahan ng kaso ang suspek.

Samantala, nangako ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 2 na tutulungan ang ina na halos kababalik lamang nitong Hulyo 16 ng taong kasalukuyan sa ibang bansa upang makauwi ito sa Pilipinas sa lalong madaling panahon. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here