Home NATIONWIDE Buhay ng aspiring Navy cadet winakasan sa ‘di tapos na New Senate...

Buhay ng aspiring Navy cadet winakasan sa ‘di tapos na New Senate Building

105
0

MANILA, Philippines- Tinapos ng isang aspiring cadet ng Philippine Navy (PN) ang kanyang buhay sa pagtalon mula sa gusali ng itinatayong New Senate Building sa BGC Taguig City nitong Huwebes ng gabi.

Natagpuang patay dakong alas-10 ng gabi ng Huwebes sa ground floor ng hindi pa tapos na New Senate Building ang Navy cadet na hindi pa pinapangalanan.

Nauna rito, nagmamadaling tumatakbong pumasok sa gate ng compound ng New Senate Building dakong alas-9 ng gabi ng Huwebes ang aspiring Navy Cadet.

“May humabol na kasama niya and our guards also gave chase. They searched the building reviewed cctv and guy was nowhere to be found,” sabi sa report ni Engr. William Hong (SCC) kay Senate President Chiz Escudero.

Dakong alas-10 ng gabi ay tumalon umano ang aspiring Navy cadet, mula sa north tower (hindi tiyak kung anong lebel) at bumagsak sa ground floor bago idineklarang patay.

Dumating sa lugar ng insidente ang Soco, HCC at iba pang PN team.

Inalis ang walang buhay na katawan ng nagpatiwakal at lumabas ng NSB tinatayang ala-1:15 ng madaling araw ng Biyernes. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here