Home NATIONWIDE Feasibility study para sa Subic-Clark-Manila-Batangas rail project pinaplantsa na

Feasibility study para sa Subic-Clark-Manila-Batangas rail project pinaplantsa na

171
0

MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) noong Biyernes na ang feasibility study para sa planong Sibic-Clark-Manila-Batangas Railway ay inihahanda na.

Sa news release, sinabi ng DOTr na ang  iminungkahing proyekto ng riles ay maglalayong magtatag ng logistics corridor sa Luzon.

Ang nakaplanong railway project ay bahagi ng iminungkahing Luzon Economic Corridor initiative na inihayag sa panahon ng trilateral leader’s summit kasama sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., US President Joe Biden, at Japan Prime Minister Fumio Kishida noong Abril.

Sinabi ni Batan na ang mungkahing Subic-Clark-Manila-Batangas railway system ay joint initiative ng Pilipinas sa US, Sweden, at Japan-led Asian Development Bank.

Sinabi pa ng DOTr na ang planong railway ay magkokonekta sa Subic Port sa Clark International Airport (CRK), Port of Manila at Port of Batangas.

Ipinaliwanag ni Batan na ang naunang planong Subic-Clark Railway ay hindi natupad “dahil sa mga isyu sa pagkuha ng pananalapi,” na humantong sa isang bagong pag-aaral para sa mas mahabang linya ng Subic-Clark-Manila-Batangas.

Ang mungkahing Subic-Clark Railway ay dapat na popondohan sa pamamagitan ng official development assistance mula China.

Ang konstruksyon ng P51 bilyong Subic-Clark Railway project ay iginawad sa China Harbour Engineering Co. noong Disyembre 2020.

Gayunman, umatras ang China sa pagpondo sa Subic-Clark Railway project kasama ang dalawa pang rail projects– ang Mindanao Railway Projects Tagum-Davao-Disa segment at ang Philippine National Railways Calamba hanggang Bicol line. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here