MANILA, Philippines – Ibinahagi ng Department of Budget and Management(DBM)ang sampung nangungunang ahensya na nadagdagan ng kanilang panukalang pondo para sa Fiscal Year 2025.
Sa press conference, sinabi ni DBM secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman na ang top priority na nabigyan ng malaking alokasyon ay ang Department of Education (DepEd) na nasa P977.6 bilyon na binigyang diin ang pangako ng gobyerno na pagandahin ang kalidad at accessibility ng edukasyon para sa lahat ng Filipino.









