Home NATIONWIDE Steam-driven eruption naitala sa Taal

Steam-driven eruption naitala sa Taal

155
0

BATANGAS – Nakapagtala ang Taal Volcano ng tatlong minutong phreatic o steam-driven eruption sa nakalipas na 24 na oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Gayunpaman, sinabi ng PHIVOLCS sa kanilang advisory noong Lunes na walang volcanic earthquake na naitala mula noong Linggo.

Napansin din ng mga seismologist ng estado ang 3,309 metric tons ng sulfur dioxide kada araw mula sa bulkan noong Agosto 2. Idinagdag nito na ang vog o bulkan na ulap ay naobserbahan sa paligid.

Ang emisyon ay 1,500 metro ang taas at naanod sa hilagang-silangan at hilagang-kanluran, sinabi rin ng Phivolcs.

Nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal dahil sa mababang antas ng kaguluhan.

Sa ilalim ng naturang alert status, ang mga biglaang pagsabog ng phreatic, volcanic earthquakes, minor ashfall, at lethal accumulations o expulsions ng volcanic gas ay nagdudulot ng banta sa loob ng Taal Volcano island.

Ang pagpasok sa Taal Volcano island at ang permanent danger zone ay ipinagbabawal at ang paligid ng bulkan ay isang no-fly zone. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here