Manila, Philippines – Anxiety attack ang sanhi kung bakit isinugod sa ospital nitong Martes ng umaga, August 13, si Richard “Dode” Cruz.
Si Cruz ay isa sa dalawang inakusahan ng Sparkle artist na si Sandro Muhlach ng umano’y sexual harassment kasama si Jojo Nones.
Matatandaang sa bisa ng subpoena ay sumipot sina Nones at Cruz sa pagdinig sa Senado na ipinatawag ng Senate Committee on Public Information and Mass Media.
Ayon sa legal counsel ng dalawa, isinugod si Cruz isang araw matapos dumalo sa hearing.
Nagkaroon daw ito ng anxiety attack.
Noong, August 14, Miyerkoles ay nakatakdang sumailalim sa endoscopy at colonoscopy si Cruz.
Idinagdag pa ng kanilang abogado na mula nang madawit daw ang kanyang mga kliyente’y nagkaroon na ito ng physical at psychological stress.
Ito’y sa kabila ng katotohanang kapwa presumed innocent sina Cruz at Nones.
Bukod dito’y wala pa raw naisasampang kaso laban sa kanila.
Lalo raw nagdulot ng stress sa dalawang independent contractors ng GMA nang punitin ni Senator Jinggoy Estrada ang sulat na naglalaman ng dahilan sa ‘di nila pagsipot sa Senado noong August 10.
Samantala, nakapagbitiw ng pangako si Senator Robin Padilla kay Sandro na: “We will protect your rights.”
Naiulat din na mas pinaniniwalaan ni
Senator Bong Revilla ang panig ni Sandro.
Hawak naman ng ama nito at dating child wonder na si NiƱo Muhlach ang convo sa pagitan ni Sandro at ng isa kina Cruz at Nones sa cellphone ng anak ilang sandali bago naganap ang umano’y inirereklamo nitong pang-aabuso sa kanya. Ronnie Carrasco III