Home NATIONWIDE Alice Guo ibabalik ng PNP sa bansa

Alice Guo ibabalik ng PNP sa bansa

109
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes, Agosto 20 na makikipagtulungan ito sa diplomatic channels para mapauwi ng Pilipinas si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

“If there is any efforts po on the part of the PNP na maibibigay pa po namin, then the PNP is willing,” pahayag ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa press briefing.

“But since, kung totoo man po, na nakalabas na po siya ng bansa, then we have to go through the diplomatic channel to address the possibility of bringing her back dito sa atin,” dagdag niya.

Ani Fajardo, makikipag-ugnayan ang PNP sa police attaches sa mga bansa kung saan iniulat na nagtungo si Guo.

Nitong Martes, kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na si Guo ay kasalukuyang nasa Indonesia sa kabila ng mga reklamong inihain laban sa kanya, kabilang ang human trafficking.

Nasa immigration lookout bulletin (ILBO) ang pangalan ni Guo kasunod ng imbestigasyon sa kanyang tunay na pagkakakilanlan at kaugnayan sa illegal activities ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) firm sa kanyang bayan.

Sinabi ni Fajardo na magkakaroon ng criminal at administrative liabilities ang sinumang tumulong kay Guo para makalabas ng Pilipinas.

Posible umanong nakapuslit si Guo palabas ng bansa na hindi dumadaan sa mga awtoridad, ani Immigration Commissioner Norman Tansingco.

Sa kabila nito, posibleng ma-deport si Guo pabalik ng Pilipinas kung makakansela ang kanyang travel documents.

“Kung makakansenla ang kaniyang travel documents and the person will be repatriated, ibabalik siya sa Pilipinas kung wala na siyang valid travel documents. We’re continuously monitoring ‘yung movements niya out of the country,” dagdag pa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here