Home OPINION PANGIL NI PBBM VS MGA POLITIKONG GANID

PANGIL NI PBBM VS MGA POLITIKONG GANID

169
0

HINDI maitago ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang kanyang pagkainis at panghihinayang sa napakalaking halaga ng salapi na inilaan ng mga nakaraang administrasyon para sa flood control project, hindi lang sa National Capital Region kundi sa iba pang rehiyon sa buong bansa na sinasalanta ng pagbaha tuwing tag-ulan.

Sino nga ba naman ang hindi maiirita kung sa kabila ng napakalaking halaga na inilalaan ng pamahalaan para sa flood control project ay patuloy pa ring binabaha ang napakaraming lugar sa NCR?  Mas  Malala pa ang mga pagbaha ngayon kesa noon.

Napatunayan ito nang humagupit ang habagat na pinalakas ng bagyong Carina na nagresulta sa paglubog ng maraming lungsod sa Metro Manila na kabilang pa naman sa binuhusan ng napakalaking pondo para sa makontrol ang pagbaha,

Nagpatawag tuloy pagdinig ang Senado at Kongreso upang makalikha ng batas na magbibigay daan para mailatag nang maayos ang plano para sa isang komprehensibo at maayos na mga proyektong makakapigil, hindi man tuluyan, kundi makabawas ng malaki sa malawakang pagbaha.

Nasayang ang malaking pondong inilaan sa proyekto bukod pa sa pondong inilabas sa pagbibigay ayuda sa libo-libong pamilyang naapektuhan ng matinding pagbaha.

Sinabi ng Department of Public Works and Highways sa pamamagitan ni Engr. Jocel Bolivar, mayroong ginagawang mga proyekto ang kanilang tanggapan na ang karamihan ay matatapos pa sa loob ng 10-taon.

Giit pa niya, 71 lang sa 91 pumping stations ang gumagana dahil hindi pa nakukumpuni ng kanilang mga contractor ang mga nasira.

Lumabas naman sa pagdinig ng Senado na may mga politiko na sila na ang contractor, sila pa rin ang supplier at nagtuturo sa DPWH kung saan ilalagak ang pondo.

Aminado ang ilang opisyal ng DPWH na may nakarating sa kanilang sumbong mula sa mga contractor na humihingi naman ng hanggang 40-porsyento sa kabuuang pondong ilalaan sa proyekto kaya ang resulta, napipilitan ang mga contractor na gumamit ng substandard na mga materyales para makatipid.

Noong pa man, may mga kongresistang humihirit ng komisyon na umaabot sa 20%  para sa mga proyektong kanilang inihain. Pero ngayon, doble na ang kanilang hinihingi sa contractor na sa mga materyales na lang bumabawi.

Sadyang mabait ang Pangulong BBM pero nakita naman ng mamamayan ng bansa na hindi basta-basta natitinag ang Pangulo kung ang nakasalalay ay kapakanan ng publiko, lalo na ang soberenya ng bansa.

Matigas ang Pangulo sa kanyang paninindigan kaya posibleng magpakita na rin  ito ng pangil laban sa mga politikong sobra ang ipinakikitang pagiging ganid sa salapi.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here