Home ENTERTAINMENT Sandro, umaming “nawasak’!

Sandro, umaming “nawasak’!

190
0

Manila, Philippines – Sinabi ni Sandro Muhlach sa kanyang Instagram account na “nawasak siya” ng umano’y sekswal na pang-aabuso ng dalawang independent contractor ng GMA-7.

Pormal na nagsampa ng reklamo si Muhlach sa Department of Justice noong Lunes laban kina Jojo Nones at Richard Cruz.

“What you did to me, it wrecked me. Hirap na hirap ako makatulog since it happened. Anxiety and PTSDS are hard to beat. Everyday akong hinahaunt ng trauma ko,”ang post ni Sandro sa kanyang expired na instagram story.

Aniya pa,hindi raw sana mangyari pa sa iba ang nangyaring umano’y panghahalay sa kanya.

“Ayoko mangyari sa iba yung ginawa sakin. Kaya sinabi ko sa kapatid ko na sana wag mangyari sa kanya yung nangyari sakin kasi hirap na hirap na ako. Diring diri pa din ako sa sarili ko. Napakahirap tanggapin lahat ng ginawa sakin

“Ang laban ko ay para din sa lahat ng inabuso. Mananaig din ang hustisya,”aniya pa

Dagdag pa ng ansk ni Nino Muhlach,sinusubukan niya ang lahat para maging matatag para sa kanyang pamilya.

“I’m trying my best to be okay para hindi mag-alala yung pamilya ko lalo na yung mommy ko na nasa amerika na araw araw umiiyak dahil sinisisi niya ang sarili niya na malayo siya at hindi ako maprotektahan. But the truth is hindi ako okay,”

Ang mga respondents sa reklamong pang-aabusong sekswal na inihain ni Sandro Muhlach ay tumugon ng “absolute denial of all the allegations,” ayon sa kanilang abogado. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here