MANILA, Philippines – Naikasa na ang quarterfinal finals duel sa PVL Reinforced Conference sa pagtatapos ng preliminary round sa Filoil EcoOil Center sa San Juan.
Nakuha ng Creamline Cool Smashers ang no. 3 spot nang ilampaso nito ang ZUS Coffee, 25-17, 25-15, 25-22.
Nagposte si Erica Staunton ng 17 points, habang si Bernadeth Pons ang nanguna sa locals nang magtapos ang Cool Smashers na may 6-2 record, habang nanatiling walang panalo ang Thunderbelles.
Pinatalsik naman ng PLDT ang Choco Mucho Flying Titans, 21-25, 25-18, 25-16, 25-19.
Si Elena Samoilenko ay may 30 puntos, habang si Kiesha Bedonia ay may 16 puntos habang tinapos ng PLDT ang preliminary round na may 6-2 karta sa 4th spot.
Naglaro ang Flying Titans nang walang import na si Zoi Faki dahil sa trangkaso, ay nagtapos ng dalawang panalo at anim na talo sa no. 9.
Nagtapos ang Petro Gazz sa no. 6 nang talunin ang Chery Tiggo, 25-20, 25-16, 25-12.
Ang parehong koponan ay may limang panalo at tatlong talo, kung saan ang Crossovers ang nakakuha ng no. 5 puwesto.
Sisipa ang playoffs sa Sabado kung saan haharapin ng no. 2 Cignal ang no. 7 Capital1, kasunod sagupaan ng top seed Akari laban sa no. 8 Farm Fresh.
Ang iba pang mga bracket, lalabanan ng PLDT ang Chery Tiggo habang masusukatan ng lakas ang Creamline vs Petro Gazz sa Martes.