Home HOME BANNER STORY Rice inflation bumagal sa 14.7% noong Agosto

Rice inflation bumagal sa 14.7% noong Agosto

94
0

MANILA, Philippines – Bumagal ang inflation rate ng bigas noong Agosto dahil sa pinagsamang base effects at epekto ng pinababang tariff rates sa imported na bigas sa nasabing panahon, ayon sa datos na inilabas ng Philippines Statistics Authority (PSA) nitong Huwebes, Setyembre 5.

Sa pulong balitaan, sinabi ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na ang rice inflation ay pumalo sa 14.7% noong nakaraan buwan kumpara sa 20.9% noong Hulyo.

Ito na ang pinakamabagal na inflation print mula noong Oktubre 2023 nang maitala ang 13.2%.

Tugma ang pagbagal ng rice inflation noong Agosto sa inaasahan ng PSA na magsisimula ang paghupa ng presyo nito sa ikalawang bahagi ng 2024.

Matatandaan na inilabas ang Executive Order No. 62 na nagtatapyas sa tariff rates sa imported na bigas sa 15% mula sa 35% na umepekto noong nakaraang buwan.

Kasabay nito ay sinabi ng PSA na ang pagpapababa sa taripa sa imported na bigas ay magpapababa rin sa retail price sa kada kilo ng bigas ng P6 hanggang P7.

“This month of September, it will further go down to single-digit,” sinabi ng PSA chief. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here