Home NATIONWIDE Pantalan sa Sual posibleng exit point sa pagtakas ni Alice Guo –...

Pantalan sa Sual posibleng exit point sa pagtakas ni Alice Guo – PAOCC

116
0

MANILA, Philippines- Iba at bagong teorya naman ang tinitingnan ng Senado ngayon sa kanilang imbestigasyon sa naging pagtakas ng sinibak na Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Tila nasipat ng Senado ang ang isang “getaway wharf” sa bayan ng Sual sa Pangasinan na sinasabing umano’y ginamit ni Guo sa kanyang pagtakas.

Tinukoy ni Raul Villanueva, Philippine Amusement and Gaming Corporation’s security monitoring cluster head, sa Senate hearing ang “intelligence report” na may isang dating national police chief ang maaaring tumulong kay Guo para ilegal na makalabas ng bansa.

Sinabi pa ni Villanueva, isang retired military officer, na ang “unnamed former police chief” ay nasa monthly payroll ni Guo.

Gayunman, sa isang panayam, sinabi ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Winston Casio na hindi pa nila narinig ang pahayag ni Villanueva subalit tiniyak na imbestigahan nila ang naturang intelligence report.

Ang PAOCC ang nanguna sa pagsalakay sa crime-infested Philippine Offshore Gaming Operators, kabilang na ang isa sa Bamban, sinasabing iniuugnay kay Guo.

Winika pa ni Casio na tinitingnan nila ang posibleng pagkakasangkot ng ilang “private individuals” at ni Sual Mayor Liseldo “Dong” Calugay sa pagtakas ni dating Bamban Mayor Guo at kanyang sinasabing mga kapatid.

“As disclosed yesterday during the Senate hearing, there is a municipal wharf in the municipality of Sual in Pangasinan and we’ve been looking at that municipal wharf as a possible escape route or point of the Guo siblings,” ang sinabi ni Casio. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here