MANILA, Philippines – Ginawaran ng “Pro Ecclesia et Pontifice” — ang pinakamataas na medalyang ipinagkaloob ni Pope Francis sa mga layko sa Manila Cathedral sa Intramuros, Manila noong Miyerkules si retired Chief Justice Artemio Panganiban Jr.
Iginawad ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang papa award sa bisa ng Holy See sa pamamagitan ng Solemn Conferral sa isang Eucharistic Celebration.
“We express our profound gratitude to the Holy Father Pope Francis for this significant honor bestowed upon him, in recognition of his outstanding service to the Church,” sabi ni Cardinal Advincula sa isang banal na Misa.
Ang ‘pagbasa’ sa Misa ay umikot sa pangunahing katangian sa buhay ng isang Kristiyano, ang pag-ibig – na ayon kay Cardinal Advincula, ay sumasalamin sa kontribusyon ni Panganiban sa Simbahan.
Si Panganiban, ay isang tunay na embodiment ng isang totoong Pilipinong Kristiyano kasama ang kanyang pagkakasangkot sa “retrofitting and restoration” ng Manila Cathedral mula 2012 hanggang 2024, sabi ni Cardinal Advincula.
Personal na dumalo si Panganiban sa conferral upang matanggap ang karangalan.
Siya ay kasalukuyang nakaupo bilang Pangulo ng Manila Metropolitan Cathedral-Basilica Foundation. Siya ay hinirang ni Pope Saint John Paul II bilang miyembro ng Pontifical Council for the Laity ng Vatican sa loob ng 5 taon, mula 1996 hanggang 2001. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)