Home ENTERTAINMENT Biopic ni Quiboloy, ipo-produce; JLC, bibida?

Biopic ni Quiboloy, ipo-produce; JLC, bibida?

99
0

Manila, Philippines- Nakausap na pala ni Atty. Ferdie Topacio si John Lloyd Cruz tungkol sa isang proyektong balak niyang iprodyus.

Si Topacio ay ang may-ari ng Borracho Films na nagprodyus din ng Mamasapano.

Ang kumpanya rin niya ang nasa likod ng biopic na The Gringo Honasan Story kung saan ang bida’y si Senator Robin Padilla.

Bukod sa pagpoprodyus ng mga pelikula, nagda-dabble din sa talent management si Topacio.

Kumbaga, he’s spreading his wings far and wide aside from lawyering.

At ang isa nga sa mga nakakaintrigang naka-line up na film project niya’y ang biopic ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy.

Bago pa man lumabas ang mga kontrobersyal na kaso nito, Topacio already had in mind who’d play Quiboloy.

Ang napipisil niya’y walang iba kundi si John Lloyd Cruz.

Ayon kay Topacio, he already spoke to Lloydie about the project.

Sagot naman daw sa kanya nito, babasahin daw muna niya ang script bago niya pakawalan ang kanyang pag-oo to do the movie.

‘Yun nga lang, as far as the netizens are concerned ay matagal nilang pinanabikan ang pagbabalik ni JLC sa higanteng telon only to see him again in a character na kinalinisan ng marami?

Ngayon pa lang daw ay gusto na nilang iparating kay Topacio na huwag nang ituloy ang Quiboloy project.

Na tiyak naman daw magiging isang napakalaking FLOP!

Well, the people have spoken. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here