Home NATIONWIDE Delay sa mga kargamentong bigas ‘di dahil sa port congestion – BOC

Delay sa mga kargamentong bigas ‘di dahil sa port congestion – BOC

144
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Bureau of Customs (BOC) nitong Sabado, Setyembre 21 na ang pagkaantala sa mga kargamento ng bigas ay hindi dahil sa congestion sa Manila ports kundi dahil sa pending requirements na kailangang i-comply ng mga consignee.

Ito ay kasunod ng pangamba ng posiblen delay sa kargamento na maaaring makaapekto sa presyo ng bigas dahil sa unreleased rice shipments.

“[T]he rice shipments are ready for release once consignees fulfill their responsibilities, and the accumulation at the ports is not due to any delay caused by congestion,” saad sa pahayag ng BOC.

Ayon sa BOC, nasa 258 shipping containers na may bigas ang nananatili pa rin sa Port of Manila kung saan 237 sa mga ito ang cleared for release na sa pagbabayad ng duties at taxes, habang ang nalalbing 21 container ay ipinoproseso pa rin para ma-clear matapos ang pagpresenta ng Goods Declaration noong Biyernes.

Samantala, nananatili ang 630 rice containers sa Manila International Container Port kung saan 492 ang cleared for release na at 138 ang pending pa.

Nilinaw naman ng BOC na walang kargamento ng bigas ang lumampas na sa 30-day period containment sa mga pantalan, na idedeklara ng ahensya bilang abandoned kung magkaganun.

Sa mandato ng Section 1129(d) o Customs Modernization and Tariff Act, ang kargamento ay dapat ma-claim sa loob ng 30 araw at ma-clear mula sa pagbabayad ng duties at taxes.

Hinimok ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio ang consignees na pirmahan na ang mga requirement na kailangan para i-release ang mga kargamento, at sinabing “[t]he BOC stands ready to enforce abandonment proceedings as mandated by law if goods remain unclaimed.”

Hinimok naman ng Department of Agriculture ang Philippine Ports Authority (PPA) noong Huwebes na pabilisin na ang paglalabas ng mahigit 800 container vans na kargado ng mga bigas sa Manila ports sa loob ng ilang buwan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here