Home ENTERTAINMENT Sandro, sinorpresa ng ina!

Sandro, sinorpresa ng ina!

200
0

Manila, Philippines- Itinaon ni Edith Millare sa kanyang ika-42 kaarawan para umuwi ng Pilipinas.

Si Edith ang ina ni Sandro Muhlach na walong taon nang nasa New York at nagtatrabaho bilang nurse.

Ang ‘di inaasahang pagkikita ng mag-ina ay naganap nitong September 23, Lunes, mismong birthday ni Edith.

Nakaupo sa isang coffee shop sa Quezon City si Sandro nang may nagtakip ng kanyang mga mata only to be caught by surprise seeing his mom.

Ani Sandro, tumatawag daw siya sa ina via overseas call to greet her pero nasa Las Vegas daw ito sa kanyang pagkakaalam.

Dahil biglaan nga’y hindi nakabili si Sandro ng birthday gift para kay Edith.

Wala ngang pagsidlan ang kagalakan ni Sandro sa kanilang pagkikita ng ina.

Agad ding ipinost ni Sandro sa kanyang social media account ang engkuwentrong ‘yon.

“Words could not express how thankful I am,” post ni Sandro.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na may pinagdadaanan ang Sparkle artist.

May kaugnayan ‘yon sa kasong isinampa niya laban kina Jojo Nones at Richard Cruz.

With his mom’s presence ay lumakas daw lalo ang loob bg aktor na umano’y biktima ng sexual assault.

Patungkol ni Sandro sa ina: “Siya ang dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban!”

Hindi pa tiyak kung hanggang kailan mananatili sa bansa si Ginang Millàre. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here