Home OPINION 1M KATAO NADISKARIL SA LEBANON; OFWs PAANO?

1M KATAO NADISKARIL SA LEBANON; OFWs PAANO?

93
0

INIHAYAG ni Lebanon Prime Minister Najib Mikati na umabot na sa isang milyong tao ang nadiskaril ang pamumuhay sa malawakang pambobomba ng Israel sa malaking bahagi ng kanyang bansa, kasama ang Beirut na kapital nito.

Malaking bahagi ito ng nasa limang milyong kabuuang populasyon ng nasabing bansa at hindi kasali ang maraming dayuhan gaya ng mahigit 11,000 Pinoy, nasa 60,000 Kano at nasa 1.5M Syrian refugee.

Dahil sa lawak ng lugar na binobomba ng Israel, hindi maikakaila na may mga apektado nang Pinoy sa pagkadiskaril ng buhay ng mga Lebanese.

Kung wala pang nasasawi o nasusugatan, maraming Pinoy na ang nawalan ng trabaho o sariling hanapbuhay.

Nawalan ng trabaho at hanapbuhay ang mga nakatira sa mga lugar na binobomba at iniiwan ng lahat tao upang hindi madamay sa giyera at manganib ang buhay.

Libo-libo na ang nawalan ng tahanan sa pagkawasak ng mga bahay o gusali at kasama sa mga nawasak ang mga trabaho at hanapbuhay.

Iba pa ang pagkapuno ng mga ospital ng mga nasusugatan at kakulangan na ng mga doktor, nars at gamot.

At nakatatakot isiping umaabot na sa mahigit 1,300 ang patay sa ilang araw pa lang na pambobomba ng Israel makaraang pasabugin nito ang mga pager at walkie-talkie na pumatay ng mahigit 40 katao at sumugat ng nasa 3,000 iba pa.

LABAN-BAWI SA BAKWITAN

Habang lumalagablab ang digmaan ng Israel at Hezbollah, gustong-gusto nang ipatupad ng ating pamahalaan ang sapilitang pagbabakwit.

Kaya lang, mangilan-ngilan lang ang gustong magbakwit gaya ng nasa kalahati sa nasa 1,000 na nagsabing uuwi na sila sa Pinas.

Binawi ng kalahati ang kanilang aplikasyon sa bakwitan sabay-sabing sanay na sila sa digmaan at umaasang titigil din ito.

Wala umano silang madadatnan sa Pinas na makataong kalagayan sa buhay, maging sa hinaharap.

Sa Lebanon mayroon umano ang mga ito kaya naman, makikipagsapalaran na lang umano sila roon kaysa madiskaril ang kanilang pamumuhay, kasama ang kanilang mga pamilya na nasa Pinas.

Kung may paghihirap man umano sa Lebanon, pansamantala lang.

GIYERANG PULITIKA ANG INAATUPAG

Anak ng tokwa, habang nanganganib ang buhay at kabuhayan ng libo-libo nating kababayan sa Lebanon, maging sa lugar sa Israel na apektado ng giyera, itong giyera patani sa pulitika naman ang inaatupag ng higit na nakararami sa mga politiko, lalo na sa Kamara o House of Representatives.

Wala nang ginawa ang mga ito kundi siraan pangunahin ang Pangalawang Pangulo ng bansa hanggang sa mapatalsik ito sa pwesto sa anomang paraan.

Wala tayong naririnig, halimbawa, na pagbubuhos ng salapi ng mga ito upang pampasalubong sa mga gustong umuwi mula sa Lebanon at magkaroon ng puhunan na mabuhay sa makataong kalagayan at magkaroon ng pag-asa sa mga darating na panahon.

Hindi rin natin sila maringgan na imbestigahan ang bilyon-bilyong pisong iskam sa paglalaan ng badyet sa pagtatayo at repair sa mga pablik iskul nang wala sa kamay ni Vice President.

Pero sige lang, huhusgahan naman kayo lahat ng mga mamamayan sa halalang 2025 at sa susunod ng halalang 2028.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here