Home ENTERTAINMENT Ex-bf ni KC, nakahanap na ng kapalit!

Ex-bf ni KC, nakahanap na ng kapalit!

218
0

Manila, Philippines- Parang nag-change outfit lang daw ang dating nobyo ni KC Concepcion, ang Fil-Swiss guy na si Mike Wuetrich.

Ang obserbasyong ito’y base sa video na ipinost mismo ni Mike.

Kuha ‘yon sa dinaluhang event ng isang high-end timepiece.

Ang intriguing part sa video ay nang mahagip ng kamera ang kamay ng kasama niyang babae with red nail polish.

Nagsimula tuloy mabulabog ang social media sa mga hula ng netizens as to who owns the hand.

Kay KC nga ba ang kamay na ‘yon?

Dahil kung kay KC nga, ibig sabihin lang na nagkabalikan sila ni Mike.

Other netizens believe otherwise.

Hindi naman daw kasi mataba ang mga kamay ng mystery girl.

Hindi rin daw tisay ang kutis nito unlike KC.

Therefore, nagkakaisa ang mga netizens na ang kasamang babae ni Mike ay ang ipinalit niya kay KC.

Poor Mike, binansagan tuloy siyang social climber.

Nagpasalamat din ang mga fans ni KC na wala na sila ni Mike.

Matatandaang ilang buwan lang ang nakakaraan nang maging item sina KC at Mike.

Naipakilala na rin ni KC si Mike sa ama niyang si Gabby Concepcion.

Back to being single, mas nakatutok ngayon si KC sa kanyang “balik-alindog program.” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here