Bulacan – Natagpuan na sa gilid ng dike ang namamagang bangkay ng 15-anyos na lalaking walong araw na nawawala matapos malunod sa ilog sa bayan ng Calumpit.
Kinilala ng mga awtoridad ang kalunos-lunos na biktima na si Cyrez Dela Cruz Malvas, residente ng Brgy. Frances.
Sa report, ang biktima ay naglaho matapos malunod sa ilog sakop ng Brgy. Frances noong Setyembre 23.
Dahil dito, inatasan ni Calumpit Mayor Lem Faustino ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office katuwang ang Brgy. Frances at mga rescue teams sa kalapit na bayan ang walang tigil na paghahanap sa batang nalunod.
Nitong araw ng Martes, Oktubre 1, tuluyan nang nakita ng mga awtoridad ang namamagang bangkay ng biktima sa gilid ng dike sakop ng Brgy. Sto. NiƱo.
Bumuhos ang pakikiramay ng mga netizen, mga kakilala, at kababaryo sa Facebook post ng kapatid ng biktima na si Shella na nagpalasalamat sa alkalde at sa mga awtoridad na walang sawang naghanap sa kanyang kapatid. Dick Mirasol III