Home NATIONWIDE Akreditasyon ng 3 regional political parties sa BARMM poll aprubado ng Comelec

Akreditasyon ng 3 regional political parties sa BARMM poll aprubado ng Comelec

97
0

MANILA, Philippines – Aprubado na ng Commission on Elections (Comelec) ang akreditasyon ng tatlong regional political parties na makilahok sa 2025 Bangsamoro Parliamentary Elections.

Ayon sa Comelec, ang mga accredited regional political parties ay ang UBJP (United Bangsamoro Justice Party); Al Itthihad UKB; at BGC (BARMM Grand Coalition) .

Noong Àgosto, pinalawig ng Comelec ang deadline para sa akreditasyon ng political parties at sectoral groups na gustong makilahok sa 2025 Bangsamoro Parliamentary Elections sa Oktubre 8,2024.

Ito ang pangalawang beses na pinalawig ang deadline para sa paghahain ng manifestation of intent to participate (MIP) para sa parliamentary polls.

Inihayag ng Comelec ang Resolution 10984 o ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Bangsamoro Electoral Code (BEC).

Itinakda ng Resolution 10987 ang mga aktibidad na may kaugnayan sa unang parliamentaryong halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at ang mga kaukulang panahon kung saan dapat sumunod.

Noong Marso 2023, ipinasa ng Bangsamoro Transition Authority ang Bangsamoro Electoral Code, na nagpapahintulot sa demokratikong partisipasyon sa lokal at rehiyonal na halalan.

Ang kauna-unahang halalan sa Bangsamoro Region ay unang itinakda noong Mayo 2022 ngunit ipinagpaliban dahil sa pandemya ng COVID-19. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here