LEBANON – Patay ang anim katao matapos bombahin ng Israel ang central Beirut nitong Huwebes, Oktubre 3.
Ayon sa Israel, nagsagawa ito ng air strike sa Beirut.
Target ng strike ang isang gusali sa central district ng Bachoura malapit a parliament. Ito na ang pinakamalapit na strike ng Israel sa sentro ng kabisera ng Lebanon.
Tinamaan din ng tatlong missile ang southern suburb ng Dahiyeh, kung saan napatay noong nakaraang linggo si Hezbollah leader Hassan Nasrallah. RNT/JGC