Home NATIONWIDE Babae pinatay, pamangkin ginahasa sa sariling bahay sa Iloilo

Babae pinatay, pamangkin ginahasa sa sariling bahay sa Iloilo

180
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang 44-anyos na babae habang ginahasa naman ang 17-anyos na pamangkin nito sa kanilang tirahan sa Sara, Iloilo nitong Huwebes, Oktubre 3.

Ayon sa report, nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at sugat ang biktima ng marekober ng mga awtoridad.

Kwento ng kapatid ng biktima, nagtungo ang 17-anyos na pamangkin nito matapos masaksihan ang pagpatay sa kanyang tiyahin.

Sa kabila nito, naniniwala ang kaanak ng biktima na ang pamangkin talaga ang target ng mga suspek.

“I think my stepdaughter was really the target of the suspects. The suspects just threw out the cellphone they got from them,” sinabi ng kapatid ng biktima.

Samantala, ginahasa rin ng mga suspek ang pamangkin ng biktima.

“Allegedly, she was raped. So she will be subject to medico-legal examination to prove that,” ayon kay Sara Municipal Police Station chief Police Major Jogen Suegay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na ang mga suspek ay pumasok sa bahay mula sa isa sa mga bintana.

“We already have a person-of-interest but this is still subject to investigation.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here