Home NATIONWIDE DMW, Aklan LGU sanib-puwersa sa paglaban kontra illegal recruitment, human trafficking

DMW, Aklan LGU sanib-puwersa sa paglaban kontra illegal recruitment, human trafficking

150
0

MANILA, Philippines – SANIB-PUWERSA na ang Department of Migrant Workers at ang lalawigan ng Aklan para sa pinaigting na laban sa illegal recruitment at human trafficking.

Sa katunayan, nilagdaan ng DMW ang isang Memorandum of Agreement kasama ang provincial government ng Aklan para ayusin ang lokal na polisiya habang pinoprotektahan ang karapatan at kapakanan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa lalawigan.

Sinabi ng DMW na maliban sa pagsugpo sa illegal activities, nangako ang departamento na aayusin ang serbisyo para sa mga OFWs sa Aklan.

“The signing of the MOA aims to heighten the protection of overseas Filipino workers (OFW) against illegal recruiters, formulate and implement local policies to strengthen the rights and promote the welfare of migrant workers and their families in the province,”ang sinabi ng DMW.

Matatandaang, noong Setyembre 25, mayroong 60 indibiduwal kabilang na ang mga town mayors ng Aklan, Sangguniang Panlalawigan members, Public Employment Service Office (PESO) managers, police officers, at iba pang local officials ang dumalo sa komprehensibong seminar ukol sa Anti-Illegal Recruitment and Trafficking in Persons (AIRTIP) na isinagawang nina DMW Assistant Secretary Francis Ron de Guzman at  Migrant Workers Protection Bureau Director Eric Dollete.

Pinagkalooban naman ang mga kuwalipikadong OFW beneficiaries ng cash assistance mula P30,000 hanggang P50,000 sa ilalim ng Agarang Kalinga at Saklolo para sa mga OFWs na Nangangailangan (AKSYON Fund) ng DMW.

Ipinabatid din sa mga ito ang tungkol sa reintegration program para sa mga magbabalik na OFWs, nag-alok ng livelihood assistance at skills training, partikular na sa paghabi ng piña textiles at iba pang disenyo.

Samantala, ang piña handloom weaving ng Aklan ay kinilala ng UNESCO noong December 2013 at nakasama sa Representative List ng Intangible Cultural Heritage. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here