MANILA, Philippines – May dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa galaw ng kalakalan ng krudo sa world market sa nakalipas na apat na araw, possible ang P0.50 hanggang P0.70 kada litrong bawas sa presyo ng gasoline, habang taas-singil naman na P0.40 hanggang P0.70 ang ipapataw sa kada litro ng diesel.
Habang P0.15 hanggang P0.30 kada litro naman ang magiging dagdag din sa presyo ng kerosene.
Ang pagtaas ng presyo ng diesel at kerosene ay bunga ng tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.
Karaniwang inaanunsyo ang oil price adjustment tuwing Lunes at ipinatutupad tuwing Martes. RNT/JGC