MANILA, Philippines- Nagtamo ng minor injuries ang isang 21-anyos na estudyante matapos pumalya ang kanyang sasakyan at sumalpok sa center road railings sa Ermita, Manila nitong Biyernes ng umaga.
Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang driver na si Robin Christian Martinez, residente ng Parañaque City.
Sa police report, tinatahak ng car driver ang kahabaan ng northbound lane ng Padre Burgos Street sa Ermita dakong alas- 2:30 ng madaling araw.
Pagsapit sa Lawton plaza sa harap ng Metropolitan Theater, sinabi ng driver na pumalya ang transmission ng sasakyan.
Tumama ang harap ng sasakyan sa railings sa inner lane. Nagtuloy-tuloy ito pa-kanan at tumama sa fence barrier sa outer lane.
Dahil sa lakas ng salpok, bumagsak ang poste ng solar light sa inner lane.
Dinala ng first medical responder ang driver sa Jose Reyes Memorial Medical Center.
Base sa mga pulis, maaaring maharap ang driver sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property. RNT/SA