Home NATIONWIDE 20M Gen Z voters inaasahan sa 2025 polls

20M Gen Z voters inaasahan sa 2025 polls

188
0

MANILA, Philippines – Nasa 20 milyong Pinoy na kasama sa Generation Z ang inaasahang boboto sa 2025 national at local elections, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Ang mga ipinanganak sa pagitan ng 1997 at 2012 ay pasok sa Gen Z category.

“Kung ang pagbabasehan natin yung Barangay and SK (Sangguniang Kabataan) Elections, sabihin na natin isama nating yung 15 to 17 years old, ang botante ay almost 24 million. More or less, nag eexpect tayo ng mga hanggang 20 million members of Gen Z na mga kabataan,” sinabi ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia nitong Sabado, Oktubre 5.

Sa datos, nasa 13 milyon o 195 ng kabuuang bilang ng mga botante ang Gen Z.

Ani Garcia, mahalaga ang boto ng mga kabataan.

“Yung votes nila will matter. Ganyan kahalaga ang boto nila sapagkat sila ang magdidikta ng kinabukasan ng ating bayan,” anang opisyal. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here