Home NATIONWIDE Jimmy Bondoc tatakbong Senador sa ilalim ng PDP-Laban

Jimmy Bondoc tatakbong Senador sa ilalim ng PDP-Laban

198
0

MANILA, Philippines – Sasabak na rin sa larangan ng pulitika ang singer-lawyer at dating Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Board of directors na si Jimmy Bondoc.

Alas-9 ng umaga nang dumating sa The Manila Hotel Tent kasama si Senator Robin Padilla upang maghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC).

Sinabi ni Bondoc na magiging boses siya sa Senado upang i-institutionalize ang anti-corruption at gumawa ng isang mabisa na batas upang tuluyan nang wakasan ang korapsyon.

Gagawin aniya ang lahat ng kanyang kakayahan ay gagamitin upang paunlarin ang buhay ng Pilipinas sa batas.

Nais din ni Bondoc na maging boses ng entertainment industry sa Senado sa paglikha ng treaties para magkaroon ng palikipag-ugnayan sa ibang bayan para sa umunlad ng turismo at makilala ang kultura ng Filipino sa buong mundo.

Sinabi ni Bondoc na siya ay tumatakbo sa ilalim ng PDP Laban ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaya siya ay loyal sa nasabing partido at tapat din sa mga pinakamahusay na polisiya.

“Isa talaga sa aking talagang layunin ay patibayinnang best of the best Duterte principles”, sabi ni Bondoc. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here