Home HOME BANNER STORY Comelec handa na sa huling dalawang araw ng COC filing

Comelec handa na sa huling dalawang araw ng COC filing

135
0
Naghain ng kanilang Certificate of Candidacy ang 1-Rider Party List at si Bonifacio Bosita bilang Senador bilang Independent party. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Handang-handa ang Commission on Elections (Comelec) sa pagdagsa ng mga kandidato para maghain ng Certificate of Candidacy (COC) at Certificate of Nomination and Certificate of Acceptance of Nomination (CON-CAN) sa natitirang dalawang araw ng COC filing.

Ayon sa Comelec, katunayan ay nagdagdag na ng upuan sa reception area hanggang sa access ramp para sa mga person with disability sa Manila Hotel Tent City.

Aminado naman si COMELEC Chairman George Erwin Garcia na nahuli sila sa paglalagay ng ilan sa mga kailangang pasilidad na kanilang tinugunan para sa huling dalawang araw.

Humingi rin ng paumanhin ang COMELEC Chair para sa ilang aspirante na hindi sumunod sa itinakdang panahon para magsalita matapos ang pagsusumite ng mga dokumento.

Binigyang-diin ni Garcia, hindi nagkulang ang kanilang tauhan sa pagpapaalala sa patakaran.

Sa kabila nito, ipatutupad pa rin aniya ng komisyon ang mga panuntunan nito para mapakinggan ang mga aspiranteng nais magpakilala sa publiko. Jocelyn Tabagcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here