Home METRO Lalaki patay sa napikon na kainuman

Lalaki patay sa napikon na kainuman

129
0

COTABATO- PATAY ang isang lalaki habang sugatan ang kaibigan nito matapos silang pagsasaksakin ng kanilang kainuman na napikon sa gitna ng pagtatalo, kagabi, Oktubre 7 sa bayan ng M’lang.

Kinilala ang nasawi na si si Mark Anthony Jordan Montano, 38, may asawa, magsasaka at residente ng Purok 6, Dalipe, Mlang, Cotabato, sugatan naman si Arnel Samillano Manago, 27, binata, residente ng Barangay Inas, ng nasabing bayan habang tugis naman ang suspek na kilala sa alyas Nonoy, at residente ng Barangay Dalipe.

Batay sa report ng M’lang Municipal Police Station, bandang 8:00 PM ng Lunes nang maganap ang krimen sa Prk 3A, Brgy Lika, Mlang, Cotabato.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nagkukuwentuhan ang tatlo habang tumatagay ng alak na nauwi sa mainit na diskusyon na nakakapikon ng suspek.

Dito, kumuha ng patalim ang suspek at pinag-iindayan ng saksak sa dibdib si Montano na naging sanhi ng agaran kamatayan nito.

Sinubukan naman awatin ni Manago ang suspek subalit maging siya ay nasaksak sa katawan na agad naman dinala sa ospital.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing krimen. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here