Home METRO Mister na wanted sa kasong rape arestado sa Caloocan

Mister na wanted sa kasong rape arestado sa Caloocan

161
0

MANILA, Philippines- Swak sa selda ang isang mister na wanted sa kasong rape matapos masakote ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City.

Sa ulat ng Caloocan City Police kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang Warrant and Subpoena Section (WSS) na naispatan sa Brgy. 171 ang presensya ng 42-anyos na akusadong top 2 most wanted person ng lungsod.

Kasama ang mga tauhan ng Intelligence Section at Sub-Station (SS9) sa pangunguna ni P/Major Segundino Bulan Jr., agad ikinasa ng WSS ang joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-2:30 ng hapon sa Ilang-Ilang St., Saranay Homes, Brgy 171.

Ang akusado ay dinakip ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Glenda K Cabello-Marin ng Regional Trial Court (RTC) Branch 124, Family Court, Caloocan City noong July 12, 2024 para sa kasong statutory rape (4 counts).

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Caloocan City Police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman para sa paglilipat sa kanya sa City Jail. Rene Manahan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here